Kapwa nag-concede na sa vice presidential race sina Senators Antonio Trillanes IV at Gringo Honasan.
Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Trillanes na habang inaabangan ng buong sambayanan ang magiging pinal na resulta sa vice presidential race ay tinatanggap na niya ang kaniyang pagkatalo. “As our countrymen await the final victor, I hereby concede defeat in the vice-presidential race,” ani Trillanes.
Ipagpapatuloy ni Trillanes ang paninilbihan bilang senador ng bansa, kung saan hanggang 2019 pa ang kaniyang termino.
Sa partial at unofficial results ng eleksyon, nasa panglimang pwesto si Trillanes na nakakuha ng halos 800,000 boto.
Samantala, sa kaniyang pahayag, binate ni Honasan si Davao City Mayor Rodrigo Duterte at lahat ng national at local candidates.
Ayon kay Honasan, dalangin niyang pagkalooban ng wisdom, compassion at vision ang mga magwawaging kandidato para pagkaisahin at pamunuan ang sambayanang Pilipino.
Ani Honasan, nagsalita na ang taumbayan sa pamamagitan ng kanilang pagboto at dapat itong irespeto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.