Karagdagang safety measures ikinasa ng QC government para sa face-to-face classes

By Chona Yu December 06, 2021 - 04:18 PM

Quezon City government photo

Para masiguro na ligtas sa COVID-19 ang mga estudyante at guro, naglagay na ng karagdagang safety measures ang lokal na pamahalaan sa mga esklwehan na kalahok sa face-to-face classes.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, kinakailangan na fully vaccinated na ang mga guro at personnel na kalahok sa face-to-face classes.

Para sa mga batang estudyante, kailangan na fully vaccinated na ang mga adult at teenager na miyembro ng pamilya.

Kinakailangan din na nakatira malapit sa eskwelahan.

“All learners and teachers and personnel will also have to undergo antigen testing. Our City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) will be going in their schools to test everyone to make sure that no one is infected with the virus,” pahayag ni Belmonte.

Base sa talaan ng Schools Division Office (SDO), aabot sa 224 na estudyante mula Kinder hanggang Grade 3 levels at 36 na guro at staff ang lalahok sa face-to-face classes sa Payatas B Annex Elementary School.

Sa Bagong Silangan Elementary School, 388 Grade 3 learners at 55 na guro at non-teaching personnel ang lalahok sa pagbubukas ng klade sa Lunes.

Hahatiin ito sa dalawang batches. Isa sa umaga at isa sa hapon.

Lahat ay sasailalim sa mahigpit na health check at monitoring kada araw.

May mga safety officers na mag-iikot lara paalalahan na sumunod sa health protocols.

Agad na idi-disinfect ang kada silid aralan tuwing pagkatapos ng klase.

Bawal pumasok sa eskwelahan ang mga magulang at guardians.

Aabot ng apat na oras ang kada klase.

May tubig, biskwit at iba pabf meryenda na ibibigay ang lokal na pamahalaan sa mga estudyante.

TAGS: facetofaceclasses, InquirerNews, JoyBelmonte, RadyoInquirerNews, facetofaceclasses, InquirerNews, JoyBelmonte, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.