Bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, nasa 13,548

Nasa 543 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (December 6), pumalo na sa 2,835,154 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 13,548 o 0.5 porsyento ang aktibong kaso.

5,545 sa active COVID-19 cases ang mild; 1,063 ang asymptomatic; 3,898 pasyente ang moderate; 2,366 ang severe habang 676 ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 113 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 49,499 o 1.75 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 830 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,772,107 o 97.8 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...