Bigtime oil price rollback sa mga produktong petrolyo, ipatutupad bukas

Abiso sa mga motorista.

Magpapatupad ng malakihang oil price rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Batay sa anunsiyo ng Caltex, Cleanfuel, Petro Gazz, PTT Philippines, Shell, Seaoil, at Unioil, may kaltas na P2.65 sa kada litro ng diesel habang P2.40 naman ang ibabawas sa kada litro ng gasolina.

Magkakaroon naman ng rollback na P2.70 sa bawat litro ng kerosene ng Caltex, Seaoil at Shell.

Mauunang ipatupad ang oil price increase sa Caltex bandang 12:01, Martes ng madaling-araw (December 7).

Magiging epektibo naman ang oil price adjustment ng Petro Gazz, PTT Philippines, Shell, Seaoil, at Unioil bandang 6:00, Martes ng umaga.

Samantala, dakong 8:01, Martes ng umaga magsisimulang mabago ang presyo ng mga produktong petrolyo ng Cleanfuel.

Asahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang oil companies ng kanilang oil price adjustment.

Read more...