Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 266.12 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 266.12 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 266,127,465 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 49,969,856 cases.

Sumunod na rito ang India na may 34,641,561 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 22,143,091 naman ang kaso sa Brazil habang 10,464,389 ang napaulat na kaso sa United Kingdom.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 9,801,613
– Turkey – 8,901,117
– Germany – 6,179,839
– Iran – 6,134,465
– Argentina – 5,340,676
– Italy – 5,109,082
– Colombia – 5,081,064

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 5,270,942 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 239,757,225 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...