Tiyak na pang-beauty queen ang mararanasan ng mga lolo at lola sa Pasig City.
Ito ay dahil sa inilunsad ng grupong Ikaw Muna Pilipinas ang libreng gupit sa senior citizens at persons with disability sa Barangay Bambang, Pasig City.
Inilunsad ng grupo ang libreng grooming services habang naka-quarantine ang mga matatanda dahil sa pandemya sa COVID-19.
Nabatid na sumusuporta ang grupo sa kandidatura ni Presidential aspirant at Manila Mayor Isko Moreno.
Ang naturang aktibidad ay bahagi ng IM Pilipinas Bilis Kilos Mobile Team “ISKOwentuhan sa Barangay.”
Ginagawa ito ng grupo kada linggo sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay Senior citizen group leader Sardonica Balilo, malaki ang pasasalamat ng kanilang hanay sa IM pilipinas.
Ang IM pilipinas ay network ng mga volunteers at supporters ni Moreno.
Ito ang multi-sectoral group na nanguna na nanawagan kay Moreno na tanggapin ang hamon na maging lider ng Pilipinas.
Ayon kay IM Pilipinas Political Officer for National Capital Region Voltaire Claveria, ginagawa nila ang aktibidad sa iba’t ibang bahagi ng bansa para ipabatid ang mga programa at plataporma ni Moreno.
Ito ay makatutulong kung paano maibababa sa tao ang mga proyekto ni Moreno.
Si Claveria rin ang tumatayong adviser ng Alpha Kappa Rho Fraternity o AKRho.
Ayon kay Claveria, suportado ng AKRho fraternity Pasig City council si Moreno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.