Pilipinas nanguna sa global benchmark para sa 5G download speed-Opensignal
By Chona Yu December 05, 2021 - 05:01 PM
Nanguna ang Pilipinas sa may pinakamalaking iniangat sa download speeds, sa average 5G download speeds na 9.8 beses na mas mabilis sa 4G, ayon sa Benchmarking the Global 5G Experience-November 2021 report ng Opensignal.
Dahil sa naturang improvement, naungusan ng Pilipinas ang Taiwan na dating nangunguna sa global leaderboard para sa 5G vs 4G Download Speed improvement.
Nanguna rin ang Pilipinas sa chart para sa mobile video streaming sa pamamagitan ng 5G Video Experience score na 34% na mas mataas gamit ang 4G.
Sa naturang report, binanggit din na nananatiling nasa rollout phase pa ang 5G sa karamihan ng global markets subalit nakapagtala na ang Pilipinas ng 5G download speed na 140.6Mbps.
Sa kasalukuyan, ang Globe ay mayroong mahigit 1,800 5G locations sa major at highly populated areas sa buong bansa. Kamakailan ay inanunayo ng telco na malapit ng ma-cover ng 5G cell sites qng Zamboanga at marami pang 5G sites ang patuloy na uusbong sa darating na mga buwan at taon.
Samantala, ang PLDT naman ay nagdaragdag ng kanilang investments sa 5G upang mapagbuti pa ang isinusulong nilang customer experience at mai-deliver ang cutting-edge services ngayong taon.
Umaasa ang PLDT and Smart na mapalawak ang kanilang fiber network, na ngayon ay nasa 395,000 kilometers sa buong bansa, para suportahan ang kanilang fiber-to-the-home, LTE at 5G services.
Sinabi ni PLDT Chairman and CEO Manuel V. Pangilinan na, “as we complete the build-out of our 4G network so that our coverage will be as close as possible to 100%, we are building out our 5G network as well. 5G will bring speed and capacity, not only to the individual users on the wireless platform, but also to the home.”
Sa kabuuan ng latest analysis mula sa Opensignal, binigyang diin kung paano mabilis na umunlad ang 5G batay sa karanasan ng mobile users sa buong mundo worldwide.
Sa 2022, inaasahan ng Opensignal na mas magiging mahalagang parte ng buhay ang 5G, lalo na sa pakikipag-ugnayan sa essential workers, cord cutters, at upang matulungan ang lahat na magka-ugnayan sakaling magpatuloy pa ang pandemya
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.