Pangarap ni senatorial Herbert “Bistek” Bautista na magkaroon ng maasahan at malakas internet connection hanggang sa kasulok-sulukan ng bansa.
Punto ni Bautista, isa pa rin sa pinakamalaking problema ang mahinang internet connection na lalong nagdulot ng problema ngayon may pandemya.
“Prayoridad ko na maging konektado ang bawat Filipino.
Mahina ang WiFi natin, eh diba? Kailangan i-deregulate pa natin ng konti ‘yung mga providers. Kase nagtataka ako bakit kailangan national lahat pwede namang kunwari sa Visayas lang. So pagsama-samahin mo ‘yung pera ng mayayaman ‘dun para sila naman ang magprovide, o sa Mindanao ganun din,” ayon sa isa sa mga senatorial candidate ng tambalang Ping Lacson-Tito Sotto.
Ipinunto ang kahalagahan ng malakas na internet connection sa pagkasa ng online classes, gayundin ng work from home arrangement, maging sa mga negosyo.
“Kase ‘yung WiFi is very important sa mga online classes, sa mga businesses, ‘yung mga business transactions natin hindi naman na telepono na eh puro mga email and that would ease up doing business din,” giit ni Bautista, na nais makilalang ‘Mr. Wifi.
Dagdag pa niya; “Bistekonek, para may konek sa masa.”