Isko: Omicron variant dapat paghandaan

Hinihimok ni Aksyon Demokratiko presidential aspirant Manila Mayor Isko Moreno ang pamahalaan na paghandaan ang posibleng pagpasok sa bansa ng bagong variant ng COVID-19 na Omicron.

Sa Listening Tour ni Moreno sa Naic, Cavite, sinabi nito na dapat nang mag-imbak ang gobyerno ng mga gamot kontra COVID-19 pati na ang medical equipment at facilities.

“Ang gusto talaga namin, bumili tayo ng remdesivir, tocilizumab, baricitinib, at yung molnupiravir. Magstock na tayo ng oxygen. Gumawa na tayo ng mga pasilidad. Pag nagamit, thank you. Pag di nagamit, thank you pa rin. At least handa tayo,” pahayag ni Moreno.

Matatandaan na noong Nobyembre lamang, bumili na ang lokal na pamahalaan ng Maynila ng 40,000 tablets ng molnupiravir na malaking tulong kontra COVID-19.

“Basta handa tayo sa posibleng uncontrollable growth brought by the new variant, which is Omicron. Pero habang naghahanda tayo, bumubukas ang ekonomiya. Bumubukas ang oportunidad. Bumubukas ang hanapbuhay,” pahayag ni Moreno.

 

Read more...