Omicron variant hindi pa nakapapasok sa Pilipinas

Wala pang Omicron variant ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, wala pang lugar sa bansa ang nakapagtala ng biglaang pagtaas ng kaso ng COVID-19 dahilan para magkaroon ng indikasyon na may bagong variant.

Sa ngayon, sinabi ni Vergeira na minomonitor na ng pamahalaan ang 253 na indibidwal na dumating sa bans ana galing ng Suth Africa pati na ang tatlong pasahero na galing sa ibang African countries.

Wala aniyang dahilan para mag-panic ang publiko sa halip ay dapat na patuloy na sumunod sa mga itinakdang health protocols.

Matatandaang kahapon lamang, Disyembre 3, nasa 544 lamang na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa.

Read more...