Kahit umatras na sa pagtakbong pangulo ng bansa sa 2022 elections, tuloy pa rin ang pagtulong ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go sa mga mahihirap.
Katunayan, personal na nagtungo si Go sa Davao City para bigyang ayuda ang may 1,281 katao na nabiktima ng baha sa Brgy. Sto Niño Gymnasium.
Kabilang sa mga ipinamahagi ni Go ang grocery packs, vitamins, masks at iba pa.
Namigay din si Go ng sapatos, bisikleta at computer tablets.
“Sa mga estudyante, mag-aral kayo ng mabuti dahil kayo ang kinabukasan ng bayan natin. (Para sa) mga kabataan, mag-aral kayo ng mabuti, magtapos kayo ng pag-aaral,” pahayag ni Go.
“Sasaya ang inyong magulang dahil (kaming mga) magulang (ay) magpapakamatay kami para lang mapaaral lang ang aming mga anak. Kaya mag-aral kayo ng mabuti,” dagdag ng senador.
Samantala, namigay din ang Department of Social Welfare and Development ng pinansyal na ayuda sa mga nabaha.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.