Umabot na sa 9.9 milyong COVID-19 vaccines ang naiturok sa ginawang National Vaccination Day ng gobyerno.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa 8.01 milyon ang naturukan sa Bayanihan, Bakunahan na ginawa noong Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.
Nasa 1.9 milyong doses naman ang naiturok noong Disyembre 2 at 3.
Sinabi pa ni Vergeire na malaking tagumpay ang vaccination dat.
Target ng Pilipinas na mabakunahan ang nasa 54 milyong katao bago matapos ang taong kasalukuyan.
Sa ngayon, nasa 37.35 milyon na ang fully vaccinated.
MOST READ
LATEST STORIES