Puwersa ng militar sa Maguindanao, nakahanda sa pagganti ng Daulah Islamiyah

By Jan Escosio December 03, 2021 - 07:40 PM

Sinimulan na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang paghahanda sa posibleng pagganti ng Daulah Islamiyah (DI) terrorist group kasunod nang pagkasawi ng kanilang pinuno sa engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao.

Kinilala ni Army Maj Gen. Juvymax Uy, commander ng 6th Infantry Division, ang nasawing terror leader na si Asim Karinda alias Abu Azim, ang namumuno sa puwersa ng DI sa Maguindanao.

Base sa ulat, Huwebes ng madaling araw nang makasagupa ng mga tauhan ng Army 6th Infantry Battalion sa Barangay Dabenayan ang grupo ni Karinda.

Sa nakalipas na dalawang araw, anim na miyembro ng grupo ang napatay sa mga operasyon ng military, lima sa bayan ng Mamasapano at isa naman sa bayan ng Shariff Saydona.

Naging pinuno ng Daulah Islamiyah si Karinda nang mapatay noong nakaraang Oktubre si Salahudin Hasan sa Barangay Damablac sa bayan ng Talayan, kung saan napatay din ang asawa niyang si Jehana Minbida, ang finance officer ng grupo.

TAGS: AFP, Daulah Islamiyah, InquirerNews, RadyoInquirerNews, AFP, Daulah Islamiyah, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.