Dalawang Koryanong pugante, arestado sa Taguig

Timbog ang dalawang Koryanong wanted dahil sa panloloko sa pera sa pamamagitan ng telecommunications fraud.

operatives arrested two South Koreans wanted by authorities in their country for swindling their compatriots of large amounts of money through .

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente, nahuli ng mga elemento ng Fugitive Search Unit (FSU) sa magkahiwalay na operasyon sina Han Juyoung at Kim Sihun, kapwa 26-anyos, sa Taguig noong Miyerkules.

Agad aniyang ibibiyahe ang dalawang dayuhan pabalik sa South Korea para maharap sa mga kaso nito.

“As a result of the deportation order, their names are placed in our immigration blacklist, thus they are perpetually barred from re-entering the Philippines for being undesirable aliens,” dagdag ni Morente.

Ayon kay BI-FSU Acting Chief Rendel Ryan Sy, subject sina Han at Kim sa red notices na inilabas ng Interpol.

Napaulat na nailabas na ng Seoul Central District ang arrest warrants laban sa dalawang dayuhan noong May 2020.

Ani Sy, undocumented alien na rin ang dalawang dayuhan makaraang kanselahin ng South Korean government ang kanilang pasaporte.

Sa ngayon, nakakulong ang mga dayuhan sa BI Warden Facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hinihintay ang kanilang deportation.

Read more...