Mga smuggled na pulang sibuyas, nasabat sa Misamis Oriental

By Angellic Jordan December 03, 2021 - 05:25 PM

Nasamsam ng Bureau of Customs-Port of Cagayan de Oro (CDO) ang dalawang container ng smuggled na pulang sibuyas sa Mindanao Container Terminal Sub-Port sa Tagoloan, Misamis Oriental noong Dec 1, 2021.

Unang idineklara ang kargamento na naglalaman ng margarine.

Nagmula ang kargamento sa China at naka-consign sa Humility Trading.

Matapos makatanggap ng intelligence information ukol sa smuggled shipment, agad naglabas ng Alert Order laban dito.

Nang isailalim sa physical examination, nadiskubre ang mga smuggled na pulang sibuyas na walang Sanitary Phytosanitary Import Clearance mula sa Department of Agriculture.

Tinatayaang aabot sa P6,000,000 ang halaga ng kontrabando.

TAGS: BOC, InquirerNews, RadyoInquirerNews, BOC, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.