Aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, mababa na sa 15,000

By Angellic Jordan December 03, 2021 - 04:08 PM

Nasa 544 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyernes (December 3), pumalo na sa 2,833,878 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 14,977 o 0.5 porsyento ang aktibong kaso.

7,166 sa active COVID-19 cases ang mild; 688 ang asymptomatic; 3,801 pasyente ang moderate; 2,433 ang severe habang 889 ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 235 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 48,987 o 1.73 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 734 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,769,914 o 97.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

TAGS: BreakingNews, COVID-19cases, COVID-19deaths, COVID-19Inquirer, COVID-19pandemic, COVID-19recoveries, DOH COVID-19 monitoring, InquirerNews, latest news on COVID-19, RadyoInquirerNews, BreakingNews, COVID-19cases, COVID-19deaths, COVID-19Inquirer, COVID-19pandemic, COVID-19recoveries, DOH COVID-19 monitoring, InquirerNews, latest news on COVID-19, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.