Christmas parties, iba pang pagtitipon aprub sa DILG

By Chona Yu December 03, 2021 - 02:37 PM

Pinapayagan na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Christmas parties at ibang pagtitipon sa panahon ng Pasko.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na maari ang Christmas parties sa mga lugar na nasa Alert Level 2.

Pero kinakailangan aniyang sumunod sa alert level regulations.

Sa ilalim aniya ng Alert Level 2, pinapayagan ang 50-percent venue capacity para sa mga pagtitipon.

Kung gagawin ang pagtitipon sa mga establisyimento, pwede silang dagdagan pa ng 10 porsyentong capacity kung may safety seal.

Kaakibat ng kondisyong ito ay ang pagsunod pa rin sa minimum public health standards tulad ng pagsusuot ng face mask at pag-obserba sa social distancing.

Paalala naman ni Malaya sa mga establisyimento na hindi makasusunod sa mga patakaran, maaari silang mabawian ng safety seal at masuspinde ang business permit.

TAGS: Christmas2021, DILG, InquirerNews, JonathanMalaya, RadyoInquirerNews, Christmas2021, DILG, InquirerNews, JonathanMalaya, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.