Tinanggap na ni Manila mayoralty candidate Amado Bagatsing ang pagkatalo sa mayoralty race sa Maynila.
Sa ngayon kasi nananatiling mahigpit ang labanan sa pagitan nina incumbent Mayor Joseph Estrada at dating Mayor Alfredo Lim.
Sa latest partial at unofficial tally ng Manila City Board of Canvassers, 166,230 ang nakuhang boto ni Bagatsing.
Habang nananatiling maliit ang lamang ni Estrada na nakakuha ng 279,946 laban sa nakuhang 277,349 ni Lim.
Nasa 2,597 lang ang lamang ni Estrada kay Lim.
Sa ngayon 98.98% na o 1,664 na clustered precinct ang na-canvass at mayroon pang natitirang 17 clustered precinct na hindi nabibilang.
Sa post sa twitter account ni Lim, sinabi nitong hindi pa tapos ang laban dahil may 10,000 pang boto na hindi nabibilang.