Kooperatiba sa Negros Occidental tumanggap ng greenhouse at solar-powered water system mula sa DAR

By Chona Yu December 03, 2021 - 09:08 AM

(DAR photo)

Aabot sa P600,000 na halaga ng greenhouse at solar-powered water system ang ipinagkaloob ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Mulawin Lanatan Farmers Multi-Purpose Cooperative (MLFMPC) sa Brgy. Poblacion 1, Sagay City.

Magagamit ang naturang proyekto para palakasin ang produksyon ng gulay sa lugar.

Ayon kay Provincial Agrarian Reform Program Officer (PARPO) II Teresita Mabunay, ang greenhouse at imbakan ng tubig ay ipinagkaloob sa ilalim ng Linking Small Holder Farmers to Market with Microfinance (LinkSFARMM) na proyekto ng DAR.

“Ang greenhouse at solar-powered water system ay magkakaloob sa mga magsasaka ng tamang suplay ng patubig at dahil dito sila ay patuloy na makapagtatanim off-season at high-value crops upang magkaroon sila ng mas malawak na merkado ng kanilang produkto na magreresulta sa pagtaas ng kanilang kita,” ani Mabunay.

Ipinahayag niya na dahil sa pasilidad na ito mababawasan  ang mga gastusin ng mga magsasaka sa panahon ng produksyon at mababawasan din ang dami ng namamatay na halaman sa loob ng greenhouse dahil sa temperatura, moisture, init na makokontrol ng mekanismo ng pasilidad.

Sinabi ni Mabunay na may 82 magsasaka ang makikinabang sa proyektong ito kung saan sila ay mapagkakalooban ng pang-kabuhayan sa pamamagitan ng agri-enterprise development activities.

Nagpahayag Edelido Calanza, Chairman ng MLFMPC ng  taos-pusong pasasalamat sa pamunuan ng DAR sa kanilang patuloy na suporta sa kanilang mga magsasakang-miyembro.

“Ang iniisip namin sa kooperatiba ay magkakaroon lang kami ng pagsasanay sa paglilipat ng teknolohiya mula sa DAR. Napakasaya namin at napagkalooban kami ng Php 600,000 na halaga na pasilidad,” ani ni MLFMPC Bookkeeper Marilyn Dieta.

Dagdag ni Dieta na ang proyektong ito ay tiyak na makatutulong para mapabuti ang kanilang kabuhayan at madadagdagan ang kanilang kita sa pagsasaka.

Pagkatapos ng turn-over ceremony, iginawad sa tatlumpu’t limang (35) magsasaka ang certificates of attendance para sa mga nakatapos at dumalo sa Agri-credit at Microfinance training.

Bukod kay Mabunay, ang seremonya ay dinaluhan nina PARPO Milagros C. Flores, Municipal Agrarian Reform Program Officer Jessan S. Saquian, Chief Aisha May Ardiente, mga miyembro ng kooperatiba at mga iba pang magsasaka sa naturang lugar.

Ang LinkSFarMM ay isang proyekto ng DAR na nag-uugnay sa mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) at mga magsasaka para sa supply chain of products upang makatulong na maiangat ang buhay ng mga ARB, mga magsasaka, at samahan ng magsasaka.

 

 

TAGS: DAR, greenhouse, kopperatiba, Mulawin Lanatan Farmers Multi-Purpose Cooperative, sagay city, solar-powered water system, Teresita Mabunay, DAR, greenhouse, kopperatiba, Mulawin Lanatan Farmers Multi-Purpose Cooperative, sagay city, solar-powered water system, Teresita Mabunay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.