Sen. Bong Go walang masamang tinapay sa mga naiwang presidential candidates

Sa kanyang pag-atras sa presidential race, ibinahagi ni Senator Christopher Go ang magiging basehan ng susuportahan niyang kandidato sa pagka-pangulo.

Aniya makukuha ng kandidato ang kanyang suporta kapag alam niya na maipagpapatuloy nito ang mga nasimulang programa at proyekto, gayundin ang mga pagbabago na nagawa ng administrasyong-Duterte.

Sinabi pa nito na pawing mga magagaling ang mga natirang kandidato sa pagka-pangulo at hiling din niya na pagtiwalaan ang mamamayan sa kanilang pagboto sa mga kandidato na sa kanilang palagay ay makakatulong sa kanila.

“Lahat naman po sila ay magagaling and this is democracy. Bigyan po natin ang taumbayan, ang kapwa natin Pilipino ng karapatan nilang mamili kung sino po ‘yung nasa puso nila,” aniya.

Bilin naman niya sa mga botante; “Huwag n’yo pong sayangin ang inyong boto ngayong darating na Mayo.’

Magugunita na unang kumandidato sa pagka-pangalawang pangulo si Go, bago ito pumalit kay Sen. Ronald dela Rosa sa pagka-pangulo, ngunit noong Martes ay inanunsiyo nito ang pag-atras na sa eleksyon sa susunod na taon.

Read more...