Sen. Ralph Recto isinusulong ang Timbangan ng Bayan sa mga palengke, supermarkets

By Jan Escosio December 03, 2021 - 08:58 AM

Para masulit ang pinaghirapang pera ng konsyumer sa kanilang pagbili ng mga pagkain, isinusulong muli ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang pagkakaroon ng Timbangan ng Bayan sa lahat ng palengke, pribado man o pampubliko, maging sa supermarkets.

Katuwiran ni Recto marami sa mga produktong nabibili ngayon ay karaniwang kulang sa timbang o sa bilang ang laman.

Sinabi nito na marami sa mga produkto ay lumiit o nabawasan ang laman ngunit hindi naman nagbago o tumaas pa ang halaga.

Aniya hindi naman matatantiya ng tama ng konsyumer ang bigat o laman sa loob ng mga produkto sa pamamagitan ng pisil-pisil o pagtimbang-timbang sa kanilang dalawang kamay.

Ayon kay Recto dalawang Kongreso na ang nakakalipas nang ihain niya ang panukala para sa paglalagay ng Timbangan ng Bayan, hindi lamang para sa kapakanan ng mga mamimili kundi maging sa mga negosyante.

Tiwala ito na kapag may Timbangan ng Bayan, mawawala na ang mga madadayang timbangan sa mga pamilihan.

TAGS: news, palengke, Radyo Inquirer, ralph recto, supermarkets, timbangan ng bayan, news, palengke, Radyo Inquirer, ralph recto, supermarkets, timbangan ng bayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.