Mga pangako ni Pangulong Duterte noong kampanya, natupad na

By Chona Yu December 03, 2021 - 08:08 AM

PCOO photo

Ipinagmalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte na halos lahat ng kanyang mga ipinangako noong panahon ng kampanya ay natupad na.

Sa talumpati ng Pangulo sa inagurasuon ng 143 Social and Tourism Ports at Zamboanga City Seaport Development Project, partikular na ibinibida ang peace and order sa bansa.

“But I said my term is nearing its end. I can say with — with a little bit of pride na halos lahat na ipinangako ko natupad ko. Dito na lang sa peace and order,” pahayag ng Pangulo.

Gayunman, inamin ng Pangulo na bilang tao, tiyak na may mga pagkakamali pa rin sa kanyang administrasyon.

Giit ng Pangulo, nagawa na niya ang lahat ng kanyang makakaya para lamang makumpleto ang mga ipinangakong proyekto sa taong bayan.“But you know, for as long as there are men in this planet, there will always be misdeeds and wrongdoings committed by human being. Be that as it may, sinabi ko I tried my best and hindi ko naman sabihin na ano pero mukhang nakumpleto ko halos lahat nang ipinangako ko sa taong-bayan,” pahayag ng Pangulo.

 

TAGS: Campaign promise, news, Radyo Inquirer, rodrigo duterte, Campaign promise, news, Radyo Inquirer, rodrigo duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.