P24 bilyong tinapyas na pondo ng NTF-ELCAC, pinababalik ni Pangulong Duterte
(Palace photo)
Humihirit si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga senador na ibalik ang P24 bilyong pondo na tinapyas sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict para sa taong 2022.
Ayon sa Pangulo, hindi niya maintindihan kung bakit binawasan ang pondo.
Kasabay nito, nanawagan ang Pangulo sa mga botante na kung maari ay palitan na ang mga senador.
Ayon sa Pangulo, ang hindi maayos na pamamalakad sa Senado ang isa sa mga dahilan kung kaya nagdadalawang isip at hindi pa siya makapag-retiro sa pulitika.
Wala kasi aniyang mangyayari kung hindi mababago ang Senado.
Tumatakbong senador si Pangulong Duterte sa 2022 elections.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.