Pagbibigay ng booster shots sa fully vaccinated adults, sisimulan na sa Dec. 3
Maari nang makatanggap ng COVID-19 booster doses ang mga fully vaccinated adult simula sa Biyernes, December 3.
“Those who have completed their primary series of COVID-19 vaccines can be inoculated with the following brands regardless of which vaccines taken in the first two doses,” saad ng Department of Health (DOH).
Ibinahagi ng kagawaran ang chart kung saan makikita kung anong brand ng booster shot ang maaring matanggap ng isang indibiduwal depende sa primary vaccination nito.
Pwede ito sa mga indibiduwal na nakatanggap ng dalawang dose ng bakuna, na may edad 18 pataas.
Sinabi ng DOH na maglalabas ang National Vaccination Operations Center (NVOC) ng operational guidelines ukol sa implementasyon nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.