LOOK: 177 pang pampublikong paaralan na makakalahok sa limited face-to-face classes
Inaprubahan ng Department of Education (DepEd) ang paglahok ng karagdagang 177 na pampublikong paaralan sa pilot implementation ng limited face-to-face classes.
Kasunod ito ng pagpasa ng mga paaralan sa iba’t ibang safety assessment na isinagawa ng DepEd at Department of Health (DOH).
Kasama na ang National Capital Region sa mga rehiyon na magsisimula ng face-to-face classes sa Lunes, December 5.
Ang mga nadagdag pang rehiyon ay magsisimula naman sa iba’t ibang petsa sa taong 2021.
Kumpiyansa naman ang kagawaran na posibleng mapalawak pa ito sa susunod na taon dahil sa magandang takbo ng pilot run.
Narito ang listahan ng mga bagong paaralan na mapapasama sa face-to-face classes:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.