Matapos ang ilang beses na “attempt” na makasungkit ng pwesto sa pamahalaan, tagumpay si Gomez sa mayoralty race sa lungsod ng kanyang misis na si Representative Lucy Torres na muli namang nagwagi sa 4th District ng Leyte.
Tumakbo si Gomez sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition laban kay Liberal Party candidate Ondo Codilla at independent candidate Mar Gallardo.
Martes ng umaga, May 10 ay iprinoklama si Gomez sa harap ng Comelec office sa Ormoc matapos makakuha ng 53,234 votes habang si Codilla naman ay may 44,453 at si Gallardo ay 608 votes.
Unang sumabak sa pulitika si Gomez bilang kinatawan ng partylist group na MAD o Mamamayan Ayaw sa Droga at bilang senador noong 2007.
Muli siyang tumakbo noong 2010 bilang kongresista pero kinuwestyon ang kanyang residency at noong 2013 ay natalo rin siya sa pagka-alkalde.