Moreno, bukas na makipag-usap kay Pangulong Duterte

By Chona Yu December 02, 2021 - 02:17 PM

Manila PIO photo

Bukas si Aksyon Demokratiro presidential aspirant at Manila Mayor Isko Moreno na makipag-usap kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Pahayag ito ni Moreno matapos sabihing umaasa siyang makukuha ang suporta ni Pangulong Duterte kasunod ng pag-atras sa presidential race ng kanyang long time aide na si Senador Christopher “Bong” Go.

Sa pagbisita ni Moreno sa kanyang mga taga-suporta sa Mabalacat, Pampanga, sinabi nito na sa ngayon, wala pa namang schedule ng pag-uusap.

Sakali mang ipatawag ng Pangulo sa Palasyo ng Malakanyang, sinabi ni Moreno na nakahanda siyang harapin ang punong ehekutibo.

“He is the President until June 30. With all the powers, mandate, and authority, nasa kanya pa ang mandato ng tao. Bilang Pangulo, at ako ay bilang mamayan, bilang Mayor ng Maynila, kung mayroon akong maipaglilingkod kay Pangulong Duterte, tutulong na lang,” pahayag ni Moreno.

Nakahanda si Moreno na makipagtulungan sa Pangulo lalo na kung patungkol sa mga problema ng tao.

Bukas din si Moreno na pag-usapan nila ng Pangulo ang ibang bagay maging sa usapin sa pulitika.

TAGS: #VotePH, 2022elections, 2022polls, InquirerNews, IskoMoreno, OurVoteOurFuture, Pilipinas, RadyoInquirerNews, #VotePH, 2022elections, 2022polls, InquirerNews, IskoMoreno, OurVoteOurFuture, Pilipinas, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.