Mayor Sara, nanawagan ng pagkakaisa kasunod ng pagbawi ng kandidatura ni Sen. Go
Nanawagan si Vice Presidential aspirant at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ng pagkakaisa.
Kasunod ito ng pagbawi ni Senador Christopher “Bong” Go ng kandidatura sa pagtakbo bilang pangulo sa 2022 national elections.
“Matapos kong inilunsad ang aking kandidatura [sa] pagka-bise presidente ng Pilipinas, nanawagan po ako sa lahat ng sumusuporta ng administrasyong Duterte na magkaisa sa ating layunin na ipatuloy at palawakin pa ang mga magagandang nasimulan ng aking ama,” pahayag ng alkalde.
Nagpasalamat naman si Duterte-Carpio sa mga dumidinig ng kaniyang kahilingan.
Noong November 30, 2021 sinabi ni Go na aatras na siya sa pagtakbo bilang pangulo dahil ayaw niyang maipit si Pangulong Rodrigo Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.