Hindi pabor si Aksyon Demokratiko presidential aspirant at Manila Mayor Isko Moreno na gawing mandatory ang pagpapabakuna kontra COVID-19.
Sa pagbisita ni Moreno sa kanyang mga taga-suporta sa Mabalacat, Pampanga, sinabi nito na naging matagumpay naman ang tatlong araw na National Vaccination Day na Bayanihan, Bakunahan.
Sinabi pa ni Moreno na naging boluntaryo rin naman ang pagpapabakuna ng publiko.
Sumusunod naman aniya ang mga tao sa pagpapabakuna.
Nasa tamang direksyon at timpla na aniya ang gobyerno kung kaya hindi na dapat na baguhin ang rekado.
Hindi aniya dapat na pabigatin pa ang pasanin ng taong bayan lalo at malapit nang magpa-Pasko.
Sa ganitong paraaan man lang aniya ay mapasaya ang taong bayan.
MOST READ
LATEST STORIES