Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 263,756,570 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 49,573,122 cases.
Sumunod na rito ang India na may 34,606,541 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 22,105,872 naman ang kaso sa Brazil habang 10,276,007 ang napaulat na kaso sa United Kingdom.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 9,669,718
– Turkey – 8,818,144
– France – 7,725,114
– Iran – 6,121,757
– Germany – 5,953,310
– Argentina – 5,332,629
– Spain – 5,174,720
– Colombia – 5,071,817
– Italy – 5,043,620
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 5,242,126 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 238,094,873 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.