LOOK: Christmas Tree lighting sa Malakanyang

Pinangunahan ni Pangulong Rodrio Duterte ang Christmas Tree lighting o ang pagsisindi ng ilaw ng Christmas Tree sa Kalayaan Grounds sa Palasyo ng Malakanyang Miyerkules ng gabi, December 1.

Nabatid na ang Christmas Tree lighting ay tradisyunal nang ginagawa ng Office of the President (OP).

Mismong si Pangulong Duterte ang pumindot ng button para magliwanag ang Christmas Tree at hudyat ng pagdiriwang ng Pasko.

Kasama ng Pangulo ang partner na si Honeylet Avancena, Senador Bong Go, Executive Secretary Salvador Medialdea at Cabinet Secretary at Acting Presidential Spokesperson Secretary Karlo Alexei Nograles.

Matatandaang sa mga nakaraang Pasko, binigyan ni Pangulong Duterte ng cash na pamasko ang mga empleyado ng OP.

Read more...