Jonel Nuezca, pumanaw sa Bilibid

By Angellic Jordan December 01, 2021 - 07:27 PM

Pumanaw ang dating pulis na si Jonel Nuezca, ayon sa Bureau of Corrections (BuCor).

Pumanaw si Nuezca tatlong buwan matapos mahatulang guilty sa pagpatay sa mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio sa Tarlac.

Ayon kay BuCor Spokesperson Gabriel Chaclag, dinala si Nuezca sa New Bilibid Prison (NBP) hospital matapos mag-collapse habang naglalakad sa labas ng kaniyang dormitoryo bandang 6:30, Martes ng gabi (November 30).

Idineklarang patay si Nuezca dakong 6:44 ng gabi.

Sa ngayon, hindi pa tukoy kung ano ang sanhi ng pagpanaw nito.

Ani Chaclag, nagsasagawa na ng imbestigasyon upang malaman kung nagkaroon ng foul play sa insidente.

Matatandaang nag-viral sa social media ang nakuhanang video ng pagbaril ni Nuezca sa mag-inang Gregorio.

TAGS: Bilibid, bucor, FrankAnthonyGregorio, InquirerNews, JonelNuezca, RadyoInquirerNews, SonyaGregorio, Bilibid, bucor, FrankAnthonyGregorio, InquirerNews, JonelNuezca, RadyoInquirerNews, SonyaGregorio

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.