Isko Moreno, hindi ipakukulong ang mga nakaupo sa dating administrasyon

By Chona Yu December 01, 2021 - 05:46 PM

Screengrab from Chona Yu’s video/Radyo Inquirer On-Line

Walang balak si Aksyon Demokratiko presidential aspirant at Manila Mayor Isko Moreno na ipakulong si Pangulong Rodrigo Duterte o iba pang opisyales na naupo sa mga nakaraang administrasyon.

Sa pagbisita ni Moreno sa Talavera, Nueva Ecija, sinabi nito na kung papalaring maging pangulo ng bansa, hindi niya aabusuhin ang kapangyarihan para maghigante sa mga kalaban.

Wala kasi aniya sa kanyang karakter ang magpakulong ng walang basehan.

Pero pagtitiyak ni Moreno, iiral ang rule of law.

Kapag napatunayan aniya ng korte at may legal na basehan, makukulong ang dapat na makulong.

Matatandaang sa mga nakaraang administrasyon, nakulong sina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at Joseph Estrada dahil sa isyu ng korupsyon.

TAGS: #VotePH, 2022elections, 2022polls, InquirerNews, IskoMoreno, OurVoteOurFuture, Pilipinas, RadyoInquirerNews, #VotePH, 2022elections, 2022polls, InquirerNews, IskoMoreno, OurVoteOurFuture, Pilipinas, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.