P5-trillion 2022 budget, pasado na sa Senado

By Angellic Jordan December 01, 2021 - 05:45 PM

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senador ang 2022 national budget na nagkakahalaga ng P5.024 trillion, araw ng Miyerkules.

Sa botong 22-0-0, naipasa ang House Bill No. 10153 o 2022 General Appropriations Bill, ang huling budget sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Senador Sonny Angara, chairperson ng Senate Finance Committee, na sentro ng naturang pondo ang pag-ahon ng bansa mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Binanggit din ng senador ang kahalagahang iprayoridad ang pagpopondo sa sektor ng kalusugan, lalo na’t mayroong bansa ng Omicron variant.

Sa naturang budget, tatanggap ang Department of Health (DOH) ng P230 bilyong pondo. Mas mataas ito kumpara sa nakasaad na P182 bilyon sa pumasang General Appropriations Bill sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

TAGS: 2022budget, 2022GAB, BreakingNews, InquirerNews, RadyoInquirerNews, TagalogBreakingNews, 2022budget, 2022GAB, BreakingNews, InquirerNews, RadyoInquirerNews, TagalogBreakingNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.