LOOK: Inspeksyon ng DOTr sa Bocaue at Balagtas Stations ng PNR Clark Phase 1
Puspusan pa rin ang konstruksyon ng PNR Clark Phase 1 (Tutuban-Malolos).
Nagsagawa ng onsite inspection si Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade sa Bocaue at Balagtas Stations nito, araw ng Miyerkules (December 1).
Sa datos ng kagawaran, 90 porsyento nang kumpleto ang konstruksyon ng Balagtas Station, habang 23.90 porsyento naman ang physical overall progress ng Bocaue Station.
Bahagi ang PNR Clark Phase 1 ng North-South Commuter Railway.
Magkakaroon ang rail line ng 10 istasyon na dadaan sa Maynila, Caloocan, Valenzuela, at munisipalidad ng Meycauayan, Marilao, Bocaue, Balagtas, Guiguinto, at Malolos City.
“Layunin ng proyektong ito na magkaroon tayo ng improved connectivity and mobility kung saan mapabababa ang travel time mula Maynila hanggang Malolos, Bulacan sa 30 minuto, mula sa kasalukuyang 1 hour at 30 minutes,” saad ng kalihim.
Oras na makumpleto, inaasahang maseserbisyuhan ng naturang rail line ang mahigit 300,000 pasahero kada araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.