DOH: Wala pang napapaulat na kaso ng Omicron variant sa bansa

Iniulat ng Department of Health (DOH) na wala pang nade-detect na kaso ng Omicron variant ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kinakalap pa ng kagawaran ang mga impormasyon sa dumating na tatlong overseas Filipino worker (OFW) mula sa South Africa.

Dumating ang mga OFW sa Pilipinas noong November 26.

Ani Vergeire, pinoproseso na nila ang susunod na batch ng whole genome sequences.

Read more...