Moreno, mananatiling nakatutok sa pangangampanya

By Chona Yu December 01, 2021 - 03:59 PM

Photo credit: Mayor Isko Moreno Domagoso/Facebook

Hindi nagpapatinag si Aksyon Demokratiko presidential aspirant at Manila Mayor Isko Moreno sa pag-atras sa presidential race ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go.

Sa ambush interview sa Talavera, Nueva Ecija, sinabi ni Mayor Isko na nanatili siyang naka- focus sa pangangampanya.

Patuloy aniya ang kanyang paglapit sa tao para makuha ang boto sa 2022 presidential elections.

Sinabi pa ni Mayor Isko na hindi niya ititigil ang pag-iikot at pakikipag-usap sa tao.

Una nang umatras si Go sa pagtakbong pangulo ng bansa para hindi na mahirapan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Tumatakbong bise presidente ang anak ni Pangulong Duterte na si Davao City Mayor Sara Duterte at ka-tandem si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

TAGS: #VotePH, 2022elections, 2022polls, BongGo, InquirerNews, IskoMoreno, OurVoteOurFuture, Pilipinas, RadyoInquirerNews, #VotePH, 2022elections, 2022polls, BongGo, InquirerNews, IskoMoreno, OurVoteOurFuture, Pilipinas, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.