Pinalawig ng gobyerno ang tatlong araw na National Vaccination Day: Bayanihan Bakunahan.
Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., palalawigin ang malawakang pagbabakuna laban sa nakahahawang sakit hanggang sa Biyernes, December 3.
Sinabi ng gobyerno na target mabakunahan ang siyam na milyong Filipino sa kasagsagan ng inoculation drive.
Base sa huling datos ng National Vaccination Operations Center (NVOC), umabot na sa mahigit 5.3 milyong indibiduwal ang nabigyan ng bakuna kontra COVID-19.
MOST READ
LATEST STORIES