Endorsement ni Pangulong Duterte sa 2022 elections, mahalaga – Moreno
Napakahalaga para kay Aksyon Demokratiko presidential aspirant Manila Mayor Isko Moreno na maendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022 presidential elections.
Sa pagbisita ni Mayor Isko sa Brgy. Sibul, Talavera, Nueva Ecija, sinabi nito na dapat na isipin na isang botanteng indibidwal ang Pangulo.
Mahalaga aniya ang bawat boto lalo’t hindi naman siya galing sa kilalang angkan ng mga pulitiko.
Higit pa aniya sa makinarya at suporta ang kailangan niya sa Pangulo.
Hindi lang naman aniya ang boto ni Pangulong Duterte ang kanyang inaasam na makuha kundi mayorya na ng mga botante sa Pilipinas.
Patuloy na umaasa si Mayor Isko na maeendorso siya ni Pangulong Duterte lalot umatras na ngayon si Senador Bong Go sa pagtakbong pangulo ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.