Bilang na ang araw ng mga smuggler ng gulay sa bansa.
Pagtitiyak ito ni presidential aspirant at Manila Mayor Isko Moreno sa mga maggugulay sa Nueva Ecija.
Sa pagbisita ni Mayor Isko sa mga residente sa Talavera, sinabi nitong masikip na ang mundo ng mga smuggler ng gulay.
Kung papalaring manalong pangulo ng bansa, sinabi ni Mayor Isko na hihigpitan niya ang importasyon ng mga gulay para maproteksyunan ang mga magsasaka.
Matatandaang kamakailan lamang, itinapon na lamang ng mga magsasaka ang tanim na carrots dahil sa mga imported galing China.
MOST READ
LATEST STORIES