BI, nangako ng transparency sa pamamagitan ng FOI
Nangako ang Bureau of Immigration (BI) na mananatili silang transparent sa pamamagitan ng Freedom of Information (FOI).
Isa ang BI sa ilang ahensya ng gobyerno na nakatanggap ng Freedom of Information (FOI) award mula sa Presidential Communications Operations Office (PCOO) noong November 25.
Kinilala ang naturang ahensya bilang isa sa top requested at top performing agencies na nakaresolba ng higit 90 porsyento ng request ng impormasyon mula sa publiko sa pamamagitan ng FOI portal.
“Transparency and good governance is one of our key focus areas, hence we ensure that we provide accurate and accessible information to the public,” pahayag ni Morente.
Pinuri nito ang mga tauhan ng BI para sa panibagont achievement at hinikayat na ipagpatuloy ang paghahatid ng de kalidad na serbisyo sa publiko.
Nangako pa si Morente na patuloy nilang paninindigan ang karapatan sa impormasyon ng publiko.
Tiniyak din ng BI National Operations Center (BINOC), ang FOI receiving office ng ahensya, na lahat ng katanungan sa government portal ay aaksyunan agad.
Nagtalaga na rin aniya ang ahensya ng hotlines upang makadulog ang publiko.
“Our BINOC caters to queries 24/7 through our telephone lines, and we have set-up emails and social media pages that are known to immediately address concerns of the public,” saad ni Morente.
Aniya pa, “We also have our main office and BI offices nationwide that also provide much-needed information, especially during this time of pandemic.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.