Lagpas 5.23 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.
Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 5,233,336 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 803,045.
Sumunod na rito ang Brazil na may 614,754 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 469,247 naman ang death toll sa India habang 294,246 ang napaulat na nasawi sa Mexico.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 275,193
– Peru – 201,176
– United Kingdom – 144,969
– Indonesia – 143,830
– Italy – 133,828
– Iran – 129,830
– Colombia – 128,528
– France – 119,131
– Argentina – 116,589
– Germany – 102,137
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 263,057,085 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 237,540,075 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.