Sen. Leila de Lima: VP Leni, liwanag sa madilim na pamamahala

Nabuhay ang ating pag-asa para sa isang makatarungan at makataong liderato.  Tila unti-unti ay nahahawi ang kadilimang bumalot sa ating bayan sa loob ng halos anim na taon. Kakaibang sigla ang dulot ng pag-asang hatid ng isang lider na may puso.

 

Ito ang naging mensahe ni Sen. Leila de Lima sa paglulunsad ng Bedans for Leni, ang grupo ng mga alumni ng San Beda College na sumusuporta sa presidential bid ni Vice President Leni Robredo.

 

Kasabay nito ang kanyang paghimok sa sambayanan na magkaisa at sama-samang manindigan laban sa ‘pseudo-dictatorship’ na uri ng pamamahala ng kasalukuyang administrasyon.

 

Diin ng reelectionsit senator, napakahalaga ng papalapit na eleksyon.

 

“This election will be the fight of our lifetime, as we stand in defiance against a pseudo-dictatorship and the return of another. As I always say, we have all been given only one life to live; one country to love and defend; and one humanity that we all belong to and must respect and protect. And so we fight and we fight more,” giit ng senadora.

 

Aniya ang pagsusumikap ng mga Filipino ang pinakamakapangyarihang puwersa na sumusuporta ngayon ni Robredo.

Read more...