Senador Bong Go umatras na sa pagtakbong pangulo ng bansa
Hindi na itutuloy ni Senador Bong Go ang pagtakbong pangulo ng bansa sa 2022 elections.
Sa ambush interview sa ika-158 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio sa Pinaglabanan Shrine sa San Juan, sinabi nitong ayaw niyang maipit si Pangulong Rodrigo Duterte.
Higit pa kasi aniya sa isang tatay ang pagmamahal niya kay Pangulong Duterte.
Sinabi pa ni Go na ayaw rin ng kanyang pamilya na tumakbong pangulo ng bansa kung kaya naisip niya na hindi pa niya panahon.
Diyos lang aniya ang nakaalam kung kailan ang tamang panahon.
Sinabi pa ni Go na sa mga nakalipas na araw, hindi magkatugma ang kanyang isip, puso at gawa.
May mga pagkakataon aniya na nagre-resist ang kanyang katawan.
Paliwanag pa ni Go, tao lamang siya na nasasaktan at napapagod.
Ito aniya ang dahilan kung kaya mas makabubuting iurong na muna ang kanyang kandidatura.
Kumakandidatong bise presidente ang anak ni Pangulong Duterte na si Davao City Mayor Sara Duterte at ka-tandem si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.