Siyam na bokal maghaharap ng kasong plunder vs isang gobernador, mga hepe ng kapitolyo

November 29, 2021 - 03:01 PM

Maghaharap ng kasong plunder ang siyam na miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon laban sa mga opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan sakaling ituloy ng mga ito ang pagpapalabas at paggamit sa 2021 annual budget ng probinsya.

Ayon sa siyam na miyembro ng Sanggunian, sa pangunguna ni Majority Leader Bokal Sonny Ubana, magsasampa sila ng kaso sa hukuman laban kina Gov. Danilo Suarez at department heads ng kapitolyo sa oras na gamitin ng mga ito ang annual budget kahit hindi pa nareresolba sa hukuman ang usapin ukol dito.

Matatandaang hindi inaprubahan ang panukalang 2021 annual budget ng Majority Bloc ng panlalawigang konseho dahil sa anila’y pagiging depektibo at kwestyunable nito.

Gayunman, kamakailan lamang, inaprubahan din ito ng apat na bokal na bumubuo ng Minority Bloc sa isang special session makaraang masuspinde ang walong bokal ng Office of the President, sa pamamagitan ng Depertment of Interior and Local Government (DILG).

Naghain ng petisyon ang mga nasuspindeng bokal sa husgado dahil sa anila’y ilegal na pagdaraos ng dalawang special session ng apat na bokal at ng vice governor, at maging ang ilegal na pag-aapruba sa annual budget para sa 2021 at 2022.

Ngunit, pinaninindigan ng gobernador na legal ang ginawa sa konseho.

“Nasa pagpapasya ni Gov. Suarez kung itutuloy niya ang paggamit sa annual budget kahit nagsampa na kami ng petisyon sa mga hukuman upang linawin ang legaledad nito. Kung itutuloy niya, kami naman ng walo kong kasamahang Bokal sa Majority Bloc ay magsasampa ng kasong plunder laban sa kanya at sa kanyang mga department heads na susunod sa mga iuutos niya para ma-release at magamit ang budget”, saad ni ni Bokal Ubana.

Dagdag nito, “Hindi namin gustong madamay sa mga kaso ang mga department heads ng kapitolyo subalit kailangan naming gawin ang tama upang protektahan ang pondo ng lalawigan.”

TAGS: InquirerNews, RadyoInquirerNews, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.