May tinututukang low pressure area (LPA) ang PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Grace Castañeda, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 1,745 kilometers Silangan ng Visayas dakong 3:00 ng hapon.
Posible aniyang maging bagyo ang LPA sa susunod na 36 oras.
Maari rin aniyang pumasok sa teritoryo ng bansa ang sama ng panahon at kapag pumasok sa bansa ay tatawagin itong #OdettePH.
Ayon pa kay Castañeda, pwede lumapit ang sama ng panahon sa kalupaan ng bansa sa Miyerkules o Huwebes.
Maari aniyang magdulot ang trough o dulong bahagi ng bagyo ng pag-ulan sa Eastern Visayas.
Sa ngayon, umiiral pa rin ang shearline sa dulong bahagi ng Hilagang Luzon.
Bunsod nito, makararanas aniya ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Batanes at Cagayan.