Halos 1,000 COVID-19 recoveries, naitala sa Pilipinas; 665 naman ang bagong kaso
Mahigit 600 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (November 29), pumalo na sa 2,832,375 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 16,289 o 0.6 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 665 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
48.1 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.0 porsyento ang asymptomatic; 23.82 porsyento ang moderate; 15.6 porsyento ang severe habang 6.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 141 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 48,501 o 1.71 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 993 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 2,767,585 o 97.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.