Sa pangamba na lumubo pa ang utang ng gobyerno sa mga pribadong paaralan, gumagawa ng paraan si Senator Sherwin Gatchalian para mapunan ang kulang na pondo sa Senior High School Voucher Program (SHS-VP).
“The voucher program is a good mechanism to revive ailing private schools because a lot of the private schools have been devastated by the pandemic. A shortfall in the SHS financial assistance program will also mean a lesser number of beneficiaries can avail of the program,” sabi nito.
Aniya ang DepEd ay may panukalang P25 bilyon para sa naturang program, ngunit base sa National Expenditure Program (NEP) ang nailaan lang na pondo ay P16.5 bilyon o kakapusan na halos P9 bilyon.
Giit ni Gatchalian kung patuloy na magkukulang ang pondo para sa SHS-VP, madadagdagan lamang ang utang ng DepEd sa mga pribadong paaralan.
Nabanggit nito na sa ngayon nasa P35 bilyon ang utang sa mga pribadong paaralan sa ilalim ng SHS-VP.
“I am just concerned with the Senior High School Voucher Program next year because if we cannot fund the P9 billion and the amount being approved under the unprogrammed funds, the debt or what we owe to the private schools will always increase every year and this will never end,” paalala ng senador.