Inaasahan na anumang araw ngayon linggo ay muling ipapatupad na ang Unified Vehiculer Volume Reduction Program (UVVRP) gamit ang huling numero sa plaka ng mga sasakyan na bumibiyahe sa Metro Manila.
Ngunit sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos na ang UVVRP o mas kilala sa tawag na ‘number coding’ ay ipapatupad lamang ng rush hours sa hapon.
Ayon pa kay Abalos pinirman na ng lahat ng alkalde ng Metro Manila ang resolusyon at inihihintay na lamang na malathala ito sa Official Gazette.
“Napirmahan na ng lahat, we’re going to have it printed in the Official Gazette, give us two or three days, ia-announce namin. To give enough time to our kababayans to be prepared,” sabi ng opisyal.
Hindi naman kasama ang mga pampublikong sasakyan, kasama ang tricycles at transport network vehicle services sa mga bawal bumiyahe mula ala-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi mula Lunes hanggang Biyernes.
Sinuspindi ang pagpapatupad ng ‘number coding scheme’ noong nakaraang taon dahil sa pagpapatupad ng lockdowns, na naglimita na sa biyahe ng mga sasakyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.