Inanunsiyo ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na sa unang buwan nang susunod na taon ang target ng gobyerno na masimulan ang pagpababakuna sa mga edad lima hanggang 11.
Aniya gagawin ito kapag pinayagan na ng Food and Drug Administration (FDA) na magamit ang mga COVID 19 vaccines sa mga bata ngayon Disyembre.
“Ang plano sa amin, once na lumabas ito (EUA), immediately we will execute it. Ang planning namin is 1st quarter ng 2022, so January mag-start tayo and we want to finish that immediately sa 1st quarter,” sabi ni Galvez sa isang panayam sa telebisyon.
Ang plano aniya ay para maisabay sa muling pagbubukas ng mga klase at para na rin sa proteksyon laban sa Omicron, ang bagong variant ng COVID 19.
Sinabi nito na wala pang nakakaalam kung ano ang epekto ng Omicron sa mga bata.
Una nang sinabi ni FDA Dir. Gen. Eric Domingo ang mga bakuna para sa mga bata ay maaring ibigay bago ang pagtatapos ng kasalukuyang taon.